Ako ay Bigyan ng Banal na Aklat

1

Ako ay bigyan ng banal na aklat Na pantawag sa nangapahamak, Sa payapa'y 'di hadlang ang bagabag 'Pagkat si Jesus ang humahanap.

KORO

Ako ay bigyan ng banal na aklat Na tatanglaw sa daang mahirap; Pangako't utos, pag-ibig na lahat, Patnubay hanggang Siya'y mahayag.

2

Ako ay bigyan ng banal na aklat, Ligaya ng pusong natiwalag; Ang pangako ni Jesus ay panatag Tunay na Siya'y darating agad.

3

Ako ay bigyan ng banal na aklat, Na patnubay sa aking paglakad, Upang sa panganib ay makaiwas At sa kasalana'y makaligtas.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.