Tinapay ng Buhay ay Hatiin
1
Tinapay ng buhay ay hatiin, Gaya nang maghati sa pampangin; Sa amin, O Jesus, bahaginin, Nang lagi Kang sumapuso namin.
2
Sa banal na aklat hinanap Ka Nang magtibay ang aming pag-asa; Sa katotohana'y nakilala, At ang pala ay tinatamasa.
3
Tinapay ng buhay Ka, Pangino'n, Ang Salita Mo'y katotohanan; Ako ay busugin sa lakbayin, At gawing maibigin t'wi-t'wina.
4
Salita Mo'y espiritu't buhay, Sa pagsunod diyan kami'y laan; Tulong Mo sa ami'y iagapay, Nang sa pagtalima'y magtagumpay.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.