O Banal na Espiritu
1
O Banal na Espiritu, Na nakabubuhay; Pag-ibig pag-alabin Mo Sa pusong lupaypay. Diwa nami'y itaas mo, sa lupa'y alisin! Saka kami ay hahayo Upang tuwa'y kamtin.
2
Ang aming mga kaluluwa'y Gisingin sa awit; At ang pag-aalinlanga'y Ganap na iligpit. Ama, sa lagay na ito Di nais mabuhay; Dakila Ka, kaya naman Iibiging tunay.
3
O Banal na Espiritu, Na nakabubuhay; Sa 'min pag-ibig ni Kristo'y Iyong idampulay.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.