Umawit sa Kagalakan
1
Umawit sa kagalakan; Magdiwang sa awitan; Pawiin ang kalungkutan, Pagpupuri'y isigaw.
2
Ibunyi Siyang sa ati'y Naglapit sa kaibigan, At S'yang naghatid sa atin, Kay Jesus na paanan.
KORO
Awitin, awitin, Ang awit ng katuwaan, Awitin ang awit nitong Pagdiriwang.
3
Ating batiing may awitan Araw ng pagdiriwang; Ang masasayang hosana'y Ating ipagsigawan.
4
Kal'walhatian ni Jesus Ating papupurihan, "Ang matandang salaysayin" Ay ating isasaysay.
5
Salamat sa 'Yo, Amang banal, Sa mga kahabagan; Ang lahat nawa ng narito, Ikaw'y pasalamatan.
6
Salamat sa 'Yo, O Jesus, Sa dugong katubusan. O Banal na Espiritu, Kami'y Iyong hingahan.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.