Mga Tanda'y Natupad Nang Lahat

1

Mga tanda'y natupad nang lahat, Sinasabing darating si Jesus; Kami'y nag-aantabay nang maluwat, Dumating Ka nawa aming Manunubos!

KORO

Lahat ay ating balitaang. Siya ay hindi na magtatagal; Tuloy ating idalanging tanan: "Jesus, h'wag magluwat sa Iyong pagdatal!"

2

Buwan, bituin, pati ng araw, Nagsasabing Siya'y malapit na, Mga bansa'y naliligaligan, Masasamang puso'y pawang nangangamba!

3

Ito'y kagalakang walang hangga, Sa nagbabalitang matiyaga, Pawang saksing napakalapit na. Ang pamimitak ng araw na dakila!

4

Kaya't tayo'y masiglang gumawa, Di na tatagal darating Siya, Ang nagsisi ay hindi sasalang. Papasok sa pinto't magpupuri t'wina.

Missing sheet music

Help us complete this hymn! If you have the sheet music for this hymn, please consider contributing.

Report an Issue

Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.