Ang Oras ng Pagdating Niya
Ang oras ng pagdating Niya Ay di natin nalalaman, Maaari na sa umaga, Maaaring gabi naman; Sa atin ay may bilin Siyang Ayusin ang ating ilaw, Upang kung Siya'y parito na Handa tayong aabutan!
Nag-aantabay, Nag-aantabay! Hanggang sa Ikaw sa lupa'y muling dumatal.
Ang l'walhati ng kalangitan Di Niya minahalaga Nanaog sa lupang ibabaw At dito'y kusang nagbata; Aking inaakala namang Ikaliligaya Niya Kung ako ay mag-aantabay Hanggang sa Siya'y dumatal.
Oh! Jesus, na Manunubos ko, Alam mong ako ay sabik Sa pag-aantabay sa Iyong Panahon ng pagbabalik! Kung mayroon mang mga taong Sa harap Mo ay aalis. Ay nagagalak naman ako Na Ikaw'y aking mamasid!
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.