Kung ang Trumpeta ng Diyos
1
Kung ang pakakak ng Diyos ay marinig na ng lahat At ang umaga nama'y mamanaag, Kung sa Kanya ang tanang maliligtas ay matipon, Ako ay haharap din at doroon.
KORO
Kung hipan na ang pakakak, Sa Kanya ako'y haharap, Kung hipan na ang pakakak, Ako'y kasama ng mangaliligtas!
2
Kung sa umagang yaon ang banal ay magsibangon Upang suma-Kanya habang panahon, Kung sa Kanya ang tanang maliligtas ay matipon, Ako ay haharap din at doroon.
3
Tayo ay magsipaglingkod sa Kanya araw-araw, Ang pag-ibig Niya'y h'wag kalimutan; Kung ang buhay at gawain sa lupa'y matalunton, Ako ay haharap din at doroon.
Report an Issue
Found a mistake or having technical trouble? Let us know! Clicking submit will open Google Gmail in a new tab.